Tuesday, November 18, 2008

Michael Johns Tri Noma mall tour

video video
video video

Monday, October 27, 2008

FIRST DAY OF SECOND SEM: A TOTAL DISASTER


Nagising ako ng 6 am, hindi kasi ako nakatulog ng mabuti dahil sa sakit ng tiyan ko kagabi. Parang may kumukurot sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Ngayon ang unang araw namin ngayong second sem, kung saan ay umpisa pa lang o ‘di kaya’y sembreak pa ng karamihan.


Umalis ako ng bahay ng 7:30, balak ko kasing pumunta ng 9:00, kukuha lang naman kasi kami ngayon ng registration certificate o “regi.” Kaya okay lang kung ano mang oras pumunta.


Pagdating ko sa campus ay wala pang masyadong tao, isang classmate ko pa lang ang nakita ko at sinabing sarado pa ang office kung saan DAW kukunin ang regi.


Tumambay na lang ako sa may gate, at unti-unti nang dumating ang mga classmates ko. Kwentuhan lang muna tulad ng parati naming ginagawa hanggang sa dumating na ang president namin. Pagkatapos n’yang magtanong sa faculty ay sinabi niya na sa Main daw kukunin ang regi.


Kaya sumakay kami sa na-miss naming pedicab papuntang main. Pagdating doon ay dumiretso kami sa ARO para kunin sana ang nasabing regi, ngunit ng magtanong naman kami ay sinabi nila na ang COLLEGE daw ang magbibigay. Nakalimutan ko na kung ano ang reaksyon namin, malamang dismayado.


Dala ng kumukulo naming mga tiyan, pumunta muna kami sa canteen. Pero wala rin kaming nabili, parang mid-term kasi ang pagpili ng kakainin.


Kaya nagpasya na lamang kami na tingnan ang pila ng kuhaan ng P.E uniform, kung saan kasama sa binayaran naming tuition and fees. Habang naglalakad ay nakasalubong namin ang dalawa naming classmates, na galing sa bayaran ng Catalyst (school paper) at SKM (student council). Syempre nagdalawang isip muna kami kung magbabayad ba kami o hindi. Pero pumila pa rin kami ng pagkahaba-haba, muli naming naranasan ang naranasan namin noong enrollment noong first sem.


Ayaw sana naming magbayad doon dahil napupunta lang naman sa mga aktibista ang pera na aming binabayaran sa palagay ko. Nung first sem ay tinanggal sa official fees ang school paper at student council. Pero naningil pa rin sila at nagbayad pa rin kami. Dahilan naman ng isa kong classmate, nakapaskil sa ARO na hindi makukuha ang regi kung walang tatak ang student’s voucher namin na nagbayad na kami. Kung tutuusin, bakit namin kailangang magbayad n’un kung wala naman yun sa official fees. Kaya nga ginawang on-line ang enrollment at kaya kami nagbabayad ng P250 developmental fee ay para maiwasan na ang mga pagpila na ito. Kung kailangan talaga itong bayaran, bakit hindi na lamang ‘to isinama sa binayaran namin noong on-line enrollment? At isa pa, bakit hindi na lang din nila isinama yung regi sa accounts namin para kami na lang ang magpi-print?


Pagkatapos ng mahabang pagpila ay kumain muna kami. Akalain mong pwedeng magpa-refill ‘pag large ang inorder mong Coke sa Jollibee? Ngayon ko lang iyon nalaman, ang saya.


Muli kaming bumalik sa main upang tingnan kung may regi na ba o kung magkakaroon pa ba nito sa ARO. Wala ng pag-asa. Kaya namalagi na lang kami sa lagoon, nagpahangin, nagkwentuhan, nagpalipas ng oras.


Nagtext kami sa president namin kung asan sila at kung saan kukunin ang regi. Nasa campus daw namin sila, doon daw kukunin. Kaya naglakad na kami papalabas ng main ng ‘di maipinta ang mukha. At nakasalubong namin ang iba naming classmates na galing ng campus namin at wala daw doon ang president namin. Nagtaka na lang kami, pero pumunta pa rin kami doon. Pedicab ulit!


Pagdating doon ay hindi namin sila nakita, inikot na namin ang buong campus at building pero wala. Kaya lumabas na lang kami, at andun sila sa kubo! (or sa bubong, or sa kahit anong balak niyong itawag sa mumunting island na natatakpan ng yero at may upuan at mesa). Kaya pala ‘di namin sila nakita doon ay dahil sa nakatakip na payong, kaya akala namin ay ibang tao sila.


Nakatunganga lang kami doon. Kwentuhan lang, naghihintay sa wala. Dumating na rin yung mga classmates naming nakasalubong lang namin kanina.


Isang oras siguro ang nakalipas, biglang nagsabi yung dalawa naming classmate na may Prof. kami, galit daw at hinahanap kami.


Sari-saring kuru-kuro at reaksyon at pumunta na kami sa room 105. Kinakabahan kami habang papalapit ng papalapit. Hindi ko na nagawang alamin kung anong subject namin sa ganoong oras.


Pagpasok sa room ay wala lang. Umupo kami at tumahimik. 15 lang siguro kaming istudyante sa tantiya ko. Ilang Segundo pa ay nagsalita na ang babae sa harapan. Siya pala ang Prof. namin sa Biological Science. Ang nasa isip ko noon ay “Wow! Adjustment period pa lang ‘di ba? At wala nga dapat kaming klase ngayon, ang corny naman nito!”


Napaisip ako noon, may dumagdag na naman sa linya ng mga “Ramos” na Prof. namin. At mukhang may mas titindi pa pala kay Prof.-sa-History. Siya daw kasi ang tipo ng professor na hindi umaabsent, kahit daw may sakit siya ay pumapasok pa rin siya. Sinabi niya ang grading system niya, mga gusto at ayaw, requirements, at kung anu-ano pa – mga normal things sa first day of class. Pero ang hindi ko matanggap ay ang pagbibigay niya ng sangkatutak na assignments. And I mean it, kailangan naming sagutan ang first chapter ng book namin at may additional assignments pa.


Pero astig siya, nag-lesson agad siya! Wala daw kasi dapat sinasayang na panahon, depensa niya sa sarili kahit walang umaaway sa kanya. Masaya ang discussion namin, tungkol kasi sa simple Biology, yun bang napag-aralan na noong 2nd year high school. Pero nakakatuwa kasi ‘di na namin maalala pero inch-by-inch ay na-recall naman namin.


Madami pa siyang sinabi, at marami rin siguro kaming natutunan. Maaga na niya kaming dinismissed at umalis. Ang bilis niyang maglakad, pagsilip ko kasi sa hallway ay wala na agad siya.


Pumunta kami sa faculty para itanong ulit ang mahiwagang regi at tingnan na rin ang aming tunay na schedule. Salamat at wala na ang 3:00 am class namin. At natuklasan naming may isa pa pala kaming na-missed na subject that day, yung major namin. And guess who is our professor – si DEAN! Yes. At sabi pa ng classmate namin ay hinahanap niya daw kami kaninang umaga at mukhang galit.

May dahilan naman kami, hinahanap namin ang regi naming hindi mawari.


Bumalik uli kami sa main. Pedicab na naman. Para tingnan ulit ang regi. Pero wala kaming napala. Wala pa ring matinong sagot ang ARO. Kaya pumila na lang kami para kunin ang P.E. uniform. Hinati namin ang grupo namin, yung iba ay sa ARO pipila at yung iba ay sa P.E. Madami kaming ginawa, nakakapagod. Pabalik-balik kami para makumpleto ang requirements DAW; nagpa-xerox, pumila, kuhain ang resibo, pumila, pumila…


Ang sakit na ng binti namin kakatayo, at mag-gagabi na. biglang sinabi sa may ARO na sa ICT Center daw, pagtakbo namin doon ay sa ARO daw. Nawalan na kami ng pag-asa, hindi ko na alam ang tunay na sitwasyon. Sana ay hindi na lang nila sinabi na ngayon ang kuhaan ng regi kung wala naman silang ibibigay.


Kaya pumila na lang kami sa P.E., kahit na sinasabi na nilang cut-off na daw at last 20 na lang. Dahil kailangan naming may mapala sa araw na ito. Kung kailangan naming makipag-away doon mabigyan lang ay gagawin namin.


Habang nakapila, mga past 6 na ‘yon eh. Biglang dumaan si Prof. Bio, mga tatlong beses siguro. Malapit lang kasi ang pila sa may Open University, kung saan doon ang office niya. Ewan ko lang kung nakilala niya kami, pero ‘di naman namin siya binati eh.


Ang mga nakuha namin ay hindi namin sizes. Ubos na kasi. Nagtataka ako kung bakit ang lalaki ng mga tees nila pero ang iikli ng mga pants. Medium ang nakuha kong tee pero parang XL sa laki, at large naman sa pants na tama lang. Papapalitan na lang namin ulit.


Umuwi na kami pagkatapos makuha iyon, 7 na rin siguro yun ng gabi.


Hindi ko maintindihan ang pamamalakad ng PUP, ewan ko ba kung anong meron at kung ano’ng wala.


Nakakapagod na araw, nakakainis na araw. Matutulog na lang siguro ako, 1 am na rin kasi.

Tuesday, October 21, 2008

3 AM class


Kaninang umaga ay nag-enroll na ako para sa second sem. Hindi naman ganun kahirap, medyo mabagal nga lang. Pagkatapos mag-enroll ay tiningnan ko ang mga subject at schedule. Laking gulat ko ng makita na may 3 am-4:30 am class kami. Major pa ata ‘yun. Unang pumasok sa isip ko ay mali lang ito for sure gaya ng parating nangyayari. Kasi naman, 7 nagbubukas ang campus namin, o kahit sa main.


Naisip ko, pero pa’no nga kung totoo ‘yon? Gigising ako ng 12 para maligo at kumain, tapos aalis ng 1:30 or 2:00. Mukhang masaya ‘yun! Kami ang magbubukas ng campus namin. Kung may night shift, meron ding “dawn shift”, at kami ‘yon!


Then ang next subject na ay 9 in the morning na ata. Ang haba ng vacant kung tutuusin. At pwede pa akong umuwi muna at matulog.


May pasok na kami next week. Yes! Goodbye boredom! Ciao.

Monday, October 20, 2008

Nostalgia

Today we went to our school to get our yearbooks. Napagplanuhan kasi namin kagabi na ngayon namin kukunin dahil sembreak na at libre na ang lahat. Ewan ko ba kung bakit ‘di ko magawang kunin ang yearbook na ‘yon. Kahit na ilang hakbang lang ang layo ng school sa bahay ko.

Ala-una ang meeting time namin. Pero past 1 na ako umalis ng bahay – at ako pa ang late at huling dumating.

‘Di ko mapigilang mapangiti habang naglalakad ako papuntang school. madami kasi akong naalala; ‘yung lugawan na nagkaroon na ng Barangay outpost sa tabi; ‘yung pader na logo na ngayon ng school ang nakapintura; pati na ang waiting shed kung saan kami nagkita-kita na dati na rin naming kitaan; at marami pang iba.

Kailan nga ba ang huli kong punta dito? Noong dumaan ata kami ng kaibigan ko, galing kaming PUP at pauwi na. Bago iyon ay noong kuhaan na ng card ang huli kong punta doon.

Pagdating ko ay pumasok na kami kaagad, wala na rin naman kaming hinihintay. Habang papalapit kami ng school ay biglang lumabas si Manong Jimmy, natawa na lang kami. Bumalik sa isip ko ang mga araw na naiinis ako sa kanya sa pagsita sa’min at sa gupit ng buhok ko. Simula first year pa namin siya kapiling. Syempre tinanong agad kami kung anong sadya namin doon. At nakangiti naming sinabi na kukuha kami ng yearbook. Pinapasok naman kami.

Ang linis tingnan ng school; bagong pintura lahat; gawa na ‘yung ‘di parang “kulungan” sa may gate; nadatnan pa naming may mga ginagawang upuan sa grounds; at may iilan pa kaming napansin.

Pagpasok ay bumungad sa’min ang mga nagkalat na studyanteng naglalaro. At pagpasok namin sa faculty na nag-alangan pa ang isa kong kaibigan dahil “English Speaking Zone” daw, wala kaming nadatnan na guro, kahit adviser namin dati. May meeting pala noon.

Kaya namasyal muna kami. Nang makarating kami sa “crossing” ay bigla kaming natigilan. Natigilan ng walang dahilan. Nagtawanan na lang kami nun. Umakyat kami sa taas upang tingnan ‘yung room namin. Bagong pintura na talaga ang buong school. Nanibago tuloy ako.

Nang nasa 4th floor na kami, para kaming “agaw eksena” noon, buti na lang ay walang mga teachers. Marami nang mga design ‘yung mga room nang dumaan kami, pero masikip pa rin. Nung nasa may labas na kami ng room namin, bigla na naming bumalik ang mga alaala ng nakaraan. Lalo na nung nasa fre exit kami. ‘Yun ang no.1 tambayan noon; ‘pag break time; picture taking; at marami pang iba.

Pati ‘yung “grills” ay may pintura na. hindi ko magawang ihakbang mga paa noon. Para akong natutunaw. Hindi ko mapaliwanag ‘yung feeling. Ayaw pa ngang bumaba nung iba eh.

Habang pababa ay nagbibiruan at nagkukwentuhan pa kami. Napansin kong nawa la na ‘yung vandal doon, ‘yung “I hate b*tch”. Nagbibiruan kami ng “Oh break time na!”, “burger? Buy 1 take 1”, at kung anu-ano pang usually naming ginagawa noon.

Pagbaba ay namalagi na lang kami sa grounds. Hinihintay naming matapos ang meeting nila na ginanap sa dating Science Lab na ewan ko kung Lab pa rin. Nagtatawanan kami habang nakikita namin ‘yung mga dati naming teachers. ‘Di ko alam kung nahihiya ba kami o ano.

Nang Makita na namin ang aming adviser, ang una niyang tanong ay kung bakit kami napadpad doon. Iniwan niya muna kami sandali at siyang pagpasok namin sa faculty. Sa ICT Lab na lalong pinaliit kami tumambay dahil aircon at dahil pinapasok naman kami ni Sir.

Konting kwentuhan, at sinundo na kami ni ma’am para sumunod sa 3rd floor. Doon ay binigay na ang yearbook. ‘Di naman kami masyadong nagtagal, konting kamustahan lang at lumabas na kami ng school.

Sobrang nakakamiss din pala ang school na ‘yon. Apat na taon din kaming namalagi doon; apat na taon ng paghihirap; apat na taon ng pagsisikap. Doon nabuo ang pagkakaibigan namin. Parte na ng buhay namin ang eskwelahan na iyon.

Sabi nga ng iba ay ‘di talaga malilimutan ang high school. Surely not, hanggang ngayon ay kakaiba pa rin ang feeling ko. Ang sarap balikan ng nakaraan na kailan lang ay ang kasalukuyan.

We must not forget where we came from, for there we are planted, brewed, and harvested.

End of First semester: First time in College



Tapos na ang first semester, SEMBREAK na! At ang “hot topic” namin ngayon ng mga classmate at kaibigan ko ay ang mga grades namin. Halos lahat kasi ay nakita na ang mga grades nila sa website. Nakakagulat lang ang mga grades namin, ‘di mo aakalaing magkakaro’n kami ng mabababang grades.

Pumasok ako sa PUP ng wala masyadong alam ‘bout college. Naaalala ko pa noong enrollment ‘yung mga pinagdaanan ko. Three days ako nag-enroll, ganun kahaba ang mga pila. Sabi nga ng iba, ang meaning daw kasi ng PUP ay Pila Ulit Pila.

Nung first weeks ko sa PUP, wala pang mga Prof. na pumasok kahit isa. Parang one month na adjustment period ata yun. Akala ko ‘pag sa college na, masisipag na ang mga Prof. , hindi pala. Ang mga masisipag lang ay yung mga major at feeling major.

Hindi ko na matandaan kung sino ang unang Prof. na pumasok sa’min. Pero hinding-hindi ko makakalimutan ang first day namin sa History. Pinatayo kaming lahat nun at tinanong isa-isa.

May mga Prof. din naman na pumasok lang sa’min ng midterm week na – ang ICT at Sociology. At kahit late na sila nakipag-meet, wala pa rin silang naituro hanggang matapos ang sem.

Maliban sa History na feeling major, may isa pa kaming kinakatakutan – ang major subject naming Intro. Napakahigpit ng Prof. namin; bawal magsalita, bawal tumayo, bawal dumaan sa harapan, bawal magtabi ang mga lalaki, at marami pang bawal. Isama mo pa ang pagsusuot ng formal attire ‘pag magrereport.

May mga subjects din namang happy-go-lucky-pero-study-pa-rin. Kagaya ng Filipino namin kung saan wala kaming midterm at finals dahil sumali kami sa Sabayang Pagbigkas. Magaling magturo ang Prof. namin; at kumanta, mag-gitara, magsulat at kung anu-ano pa. Sayang lang at hindi na namin siya na-meet nang mga nakaraang klase. Isa pa ay ang CommSoc namin na isa pang major pero hindi terror. Masaya sa klaseng ito dahil puro kami presentation.

Habang tumatagal ay lalo kong napapatunayang mahirap nga sa college. Dito naranasan kong matulog ng madaling araw matapos lang ang mga report at pagre-review; lumusong sa baha; magbabad sa computer; ‘wag kumain pag vacant; makakuha ng bagsak na marka; umuwi ng gabi at pumasok ng maaga; at marami pang iba. Hindi lang naman mga pangit na bagay ang naranasan ko; andyan ang makarating sa iba’t-ibang lugar; makadalo sa mga seminars; makakita ng mga artista; at may iilan pa.

At sino ba namang makakalimot sa mga aktibista? Na parte na ng buhay ng isang PUPian. Araw-araw ay may makikita kang nagra-rally sa main. Buti na lang malayo kami. Pero hindi pa rin nakaligtas ang campus namin, puro paskil ang makikita mo, at mga rumorondang aktibista at nagre-recruit.

Magastos din ngayong college, maliban pa sa pamasahe mo papunta, dagdag pa ang pamasahe mo sa bawat pagpalit ng subject. May mga subject kasi kami tulad ng P.E. at ICT na sa main ginaganap. At mga bayarin sa araw-araw; nariyan na ang mga Xerox copies; mga libro; contributions; projects; roadtrips; at kung anu-ano pa. Mababa nga ang tuition namin, pero sa ibang mga bayarin naman bumabawi.

Masasabing mahirap nga ang buhay kolehiyo, ibang-iba sa nakagisnan ko sa high school, pero masaya pa rin. Masaya ang feeling pag pumapasa ka sa exam na pinagpuyatan mo; ang mapuri sa mga reports na pinaghandaan mo; makasagot sa mga recitations; at kung anu-ano pa.

Simula pa lang ito ng buhay ko bilang isang kolehiyo, marami pa akong haharapin at kakalabanin; mga terror na Prof.; makukulit na classmates; malalakas na ulan at baha; mga aktibista sa kalye; madudugong exams; at marami pang iba.

Simula pa lang ito ng lahat – nang lahat ng mga pagsubok upang maabot ang aking mga pangarap.